|
Si Luna Reyes ang presidente ng pinakamataas na organisasyon sa paaralan, ang Student Council.
Responsibilidad niya ang anumang bagay na may relasyon sa eskwelahang kanyang pinamumunuan. Ngunit isang araw ay nagkaroon ng transferee galing America. Sakit sa ulo at pasaway. Iyan si Jessie Wright. Magkabilang dulo ng mundo ang kanilang ginagalawan at tila bomba at dinamita kapag sila’y nagtatama. Bilang pangulo ng organisasyon ay magawa kaya niyang makontrol ang baguhang ito? O sa pamamagitan ng pagtugtog nito ng drums ay hindi inaasahang mabihag nito ang kanyang puso? |
Hindi ba’t mas nakakainlove yung lalaking laging nagpapangiti sayo at laging nagpapatawa sayo tuwing malungkot ka?
Yun bang kahit corny yung jokes niya eh nakakatawa pa rin sayo kasi mukha siyang ewan?
Pero hindi ganun yung nangyari...
Ewan ko nga ba kung bakit sa lahat ng pwedeng mangyari ay yung kabaligtaran pa yung napunta sakin.
Nainlove ako sa isang lalaking laging nagbibigay ng sakit ng ulo sakin.
Yun bang kapag tumingala ka at nakita mo yung mukha niya eh para kang manganganak sa pagka-buwiset?
Yun bang kahit anong hinhin ng pakikipag-usap sa'yo ay parang laging mura yung dating sayo?
Saka yung feeling na alam mo yung history ng lovelife niya tapos gusto mo siyang batukan sa sobrang rami ng ex niya pero hindi mo magawa?
Ewan ko ba.
Pero ang pinakamahirap tanggapin sa lahat, ay yung taong pinakamamahal mo, yung nagbibigay sa iyo ng kasiyahan at lakas ng loob ay ang mismong taong nagpapaluha sayo.
Yun bang parang minsan ay maitatanong mo sa sarili mo na tama bang pinili mo siya?
Masakit kasing umasa.
Lalo na kung alam mong wala talagang pag-asa.
Pero mas masakit pa din yung isang araw ay malalaman mong yung kaligayahang nararanasan mo ay isang kasinungalingan lang pala...