CHAPTER 7Julie Anne
*Music Playing: Di ko na kaya – Faith Cuneta* One week na simula nung malaman ko yung katotohanan. Nagsimula na ring mabahala sina Mommy at Daddy. Lagi nalang daw kasi kong tulala. Lagi nalang din daw akong nagkukulong sa kwarto. Hindi ko alam pero gabi-gabi akong umiiyak. Paggising ko sa umaga kelangan ko pang hintaying makaalis yung parents ko para lang makalabas ng kwarto. Ayoko kasing makita nila na mugto yung mata ko. Ilang araw ko na ring iniiwasan si Elmo. Nagdadahilan nalang ako para lang hindi ako makasama sa kanya. Hindi na rin ako umaattend ng mga meeting nung Music Club. At ngayon ngang hapon, sasabihin ko kay Elmo na hindi na ko magmemember sa Club. Napakahirap. Ang sakit. Pero kailangan kong tiisin. Alam kong lilipas din tong sakit na nararamdaman ko. Kapag naman kasama ko si Caila, pinipilit kong maging normal. Nakikitawa pa rin ako sa kanya, nakikipagkwentuhan, kaso masyado na kong kilala ni Caila eh, nagtatanong na siya kung ano daw ba problema. Bakit daw lagi akong malungkot. Nagdadahilan nalang ako. Sinasabi ko na family problems. Pagkatapos non, syempre mag-aadvice siya sakin. Magpapasalamat ako tapos pupunta ko ng banyo tapos iiyak na naman. Lagi nalang ganun eh. Isang linggo kong ganun. Walang tigil sa kaiiyak. Nung hapon na yun, pumunta ko ng second floor. Matagal na kong nakatayo dun sa harap nung Music Room pero hindi ko pa kayang buksan yung pintuan. Ano kaya sasabihin ni Elmo pag sinabi kong aalis na ko sa Club? Magagalit kaya siya? Alam na kaya niyang iniiwasan ko siya? Pamaya-maya, bumukas yung pintuan at naglabasan yung Music Club members. Bigla akong kinabahan. At nung pumasok ako at nakita kong nag-aayos ng mga papel si Elmo sa may table, biglang naging blangko yung isip ko. Sumikip na naman yung dibdib ko. Ang sakit twing nakikita ko si Elmo. Lalo na twing kasama niya si Caila ng palihim kasi ayaw pa nilang ipaalam na engage na sila. Yumuko nalang ako habang papalapit kay Elmo. Tumingin siya sakin at ngumiti. “Oh, Julie Anne? Ba’t hindi ka ulit nakaattend sa meeting kanina? One whole week kang walang attendance ah.” Huminga ko ng malalim para lang mapigilan kong umiyak. “K-kasi may inaayos lang akong problema. Sorry kung hindi na ko nakakaattend. Saka gusto ko nga rin palang sabihin sayo na… na aalis na ko sa Club.” Natigilan si Elmo. Tumingin siya sakin, mukhang nagulat siya sa sinabi ko. “Bakit naman? Ganun ba katindi problema mo? Alam mo namang pwede kang magsabi sakin ng kahit ano. Baka sakaling gumaan yang nararamdaman mo.” Nangilid yung luha ko. Magsabi ng kahit ano? Eh ikaw nga hindi mo sinabi sakin yung tungkol sa inyo ni Caila eh! At hanggang ngayon itinatago mo pa rin! Kaya pano pa ko magsasabi sayo?! Yun yung gusto kong sabihin sa kanya. Pero baka magkagulo lang. “Ah hindi, ayos lang. Kaya ko na toh. Pasensya na talaga. Sige, aalis na ko.” *Music Playing: Because I miss you–Jung Yong Hwa* “Teka lang, Julie Anne.” Hinawakan ako sa braso ni Elmo. Nagkatinginan kami. Ako yung unang umalis ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan ng hindi nadudurog yung puso ko. “Iniiwasan mo ba ko?,” tanong niya. “Isang linggo ka na kasing ganyan eh. Hindi na tayo nagkakasama katulad nung dati. Lagi ka nalang wala. Ano ba talaga yung problema? Ako ba? May nagawa ba kong hindi maganda? Sorry na kung meron man. Pero, please, wag mo naman akong tratuhin ng ganyan.” Lalong nangilid yung luha ko. Yumuko ako. Pero huli na, tumulo na yung luha ko. “Tumingin ka sakin Julie Anne.” Umiling ako. “Please, tumingin ka.” “Elmo–” “Tumingin ka!” Biglang tumaas yung ulo ko. Nakita kong galit yung mga mata ni Elmo. Tama toh. Dapat lang na magalit sakin si Elmo. Para maging mapayapa na yung puso ko. “Sabihin mo sakin Julie Anne. Ano ba talaga problema mo?” “Bitiwan mo ko Elmo, please–” “Hindi kita bibitawan hangga’t hindi natin naaayos toh.” Lalong humigpit yung hawak ni Elmo sa braso ko. “Please, nasasaktan ako–” “Sabihin mo muna!” “IKAW!” Hinihingal ako. Naramdaman kong tumulo ng sabay-sabay yung luha ko. Patuloy na sumisikip yung dibdib ko. Hindi ako makahinga. Kitang-kita yung pagkagulat sa mukha ni Elmo kasi medyo napanganga siya. “Ikaw yung problema ko!” Binitawan na niya yung braso ko. Mukhang kinakabahan na rin siya. Ayoko talagang sabihin yun eh, pero wala akong choice. Saka matagal ko na ring gustong sabihin sa kanya yun eh. Hindi na ko aatras. “Ako? Bakit? A-ano bang ginawa ko? Ano bang gusto mong gawin ko?” “Magalit ka! Magalit ka sakin! PARA HINDI NA KO NASASAKTAN NG GANITO!” “Julie Anne.” Tinangka niya kong hawakan sa braso pero lumayo ako. Nakakain ko na yung luha ko. Ang alat. Pero bakit pait yung nararamdaman ko sa puso ko? “Gusto kong magalit ka sakin, Elmo! Para madali na kitang makalimutan! Para hindi na ko mahirapan pa ng ganito! Ang hirap eh. Ang sakit-sakit. Tuwing nakikita kita, parang dinudurog yung puso ko!” “Huminahon ka Julie Anne.” Hinawakan niya yung kamay ko pero hinila ko yung kamay ko. Sigurado kong naguguluhan na rin siya kasi hindi niya malaman yung gagawin niya. “Okay lang, Elmo. At least, alam kong nasa mabuting kamay ka. Alam kong aalagaan ka ni Caila.” Nanlaki yung mga mata niya. “San mo nalaman yung tungkol samin ni Caila?” “Dun sa may rooftop. Nung sabi mong magkita tayo. Aksidente kong narinig yung pinag-uusapan niyo. Kaya . . .” Yumuko ako at pinunasan yung luha sa mata ko. “Wag kang mag-alala dahil irerespeto ko yon. Pipilitin na kitang kalimutan. At sana, gawin mong madali para sakin yun. Lalayo muna ko sayo. Hanggang mawala tong sakit sa puso ko.” Tumalikod ako at lumakad ako palayo. Hindi niya ko sinundan. Masakit man pero yun ang tama. Ayoko nang umasa. Ayoko nang masaktan pa. Tama na. Hindi ko na kaya… Hinawakan ko yung doorknob at inikot… Nang maramdaman kong may mga braso na umakap sa likuran ko. Nanlaki yung mga mata ko. Sa sobrang gulat ko, hindi ako nakakilos. Naramdaman ko yung mukha ni Elmo sa may leeg ko. At naramdaman ko rin yung init ng hininga niya. “Please,” sabi niya ng mahina. “Huwag kang umalis Julie Anne. Please.” “Elmo.” “Huwag mo kong kalimutan… Ayokong kalimutan mo ko. Ayokong lumayo ka sakin. Ayokong mawala ka sa buhay ko. Ayokong mapunta ka sa iba. Ayokong umiyak ka ng dahil sakin. Ayoko nun Julie Anne. Ayoko.” Pamaya-maya, naramdaman ko nalang na may basa sa leeg ko… “Elmo. Huwag kang umiyak.” “Nahihirapan na rin ako Julie Anne eh. Hindi ko na kayang tiisin pa. Yung engagement na yun, labag sa loob ko yun. Si Mommy yung nakipagkasundo sa pamilya nina Caila. Pero ginagawa ko lang yun para sa Daddy kong namayapa na. Kasi kaibigan ni Daddy yung Mommy ni Caila. Sabi ni Mommy, matutuwa daw si Daddy pag ginawa ko yun.” Humigpit yung akap niya sakin. “Sana maintindihan mo ko. Naiipit lang ako. Ikaw talaga gusto ko, Julie Anne. Ikaw lang.” Lumakas yung tibok ng puso ko sa narinig ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Gusto ko ni Elmo? Totoo ba to? Hindi ba ko nananaginip? So yung mga tawag pala kay Elmo na dati, para pala sa engagement niya yun. Kaya pala tuwing matatapos yung tawag lagi siyang tumatahimik. Kasi hindi niya gusto yun. Pero . . . Humarap ako sa kanya. Nasa likod ko pa rin yung mga kamay niya. Hinawakan ko yung pisngi niya at pinunasan ko yung luha sa ilalim ng mata niya. “Shh. Huwag ka nang umiyak,” sabi ko ng mahina. “Hindi na ko aalis. Ngayong sinabi mo sakin na ayaw mo kong mawala, hindi na ko aalis kelan man. Nandito lang ako.” Ngumiti siya at inakap ako. Gumaan yung pakiramdam ko. Ito yung napakatagal ko nang pinangarap, yung maakap siya, yung marinig yung mga ganung salita at yung maramdaman ko na may halaga talaga ko sa buhay niya. Itinapat ni Elmo yung bibig niya sa tenga ko. Ang init ng hininga niya. Ibinulong niya yung tatlong salitang tuluyang lumusaw sakin. “I love you.” Napakalakas ng tibok ng puso ko. Pero ngayon, hindi na siya yung parang tinutusok ng napakaraming karayom, tumutalon siya ngayon dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan. Ngumiti ako. Bumulong din ako sa kanya. “I love you too.” Naramdaman ko yung ngiti niya sa balikat ko. At hindi ko rin mapigilan yung ngiti sa labi ko. At mukhang naramdaman niya rin yun. “Baka naman hindi na bumalik yang bibig mo sa dati dahil sa kakangiti ah?” Nagulat ako dun sa sinabi niya. Binitawan ko siya. “Ang kapal mo ah! Hindi ako ngumingiti noh.” “Naku, kunwari ka pa. Kung alam ko lang eh matagal mong hinintay toh.” “Excuse me! Wag kang mafeeling ah!” “Alam ko namang lagi kang kinikilig kapag nakikita mo ko eh!” Inakap ako ni Elmo. Pero this time, nanghaharot na siya. “You wish! Kinikilabutan kaya ako twing nakikita kita! Bitiwan mo nga ako!” Nakawala ako sa pagkakaakap niya. Nakangiti ako. Tumawa si Elmo. “Kaya ka kinilabutan kasi ako ang pinakagwapong nilalang na nakita mo!” Dinilaan ko siya. Nangiti si Elmo. “Aba dumidila ka pa dyan ah! Naku kapag naabutan kita, lagot ka sakin!” “Kung kaya mo!” Naghabulan kami dun sa loob ng Music Room. Nagtawanan, nagharutan, hanggang sa mapagod kami. Hinatid niya ko pauwi, okay na sana eh, kaso nakita siya nina Mommy at Daddy. Grabe kaba ko nun! Pati si Elmo ramdam ko na kinakabahan nun. Haha! Akala ko nga pagagalitan ako eh pero natuwa pa sila. Ang akala daw kasi nila tatanda akong dalaga eh! Haha! Kaya naging supportive na rin sila pero syempre, meron pa rin daw limitations. Pero mukha naman daw mabait si Elmo eh kaya maluwag sila. Sinabi na rin ni Elmo yung tungkol samin sa family niya. Nung una medyo hindi pabor yung Mommy niya pero malaunan, pumayag na rin siya kasi nakita niya na masaya si Elmo. Kinausap din namin si Caila. Kinabahan ako nun, pero nandun naman si Elmo sa tabi ko para alalayan ako. Naintindihan naman kami ni Caila. Talagang napakabait niya. Kahit daw na hindi na sila ni Elmo, magbest friend pa rin kami. Wala pa rin daw magbabago. After a few months, naka-move on na rin si Caila. Meron na nga siyang bagong boyfriend. Syempre daw, lagi pa rin may puwang sa puso niya si Elmo pero mapagkakatiwalaan ko daw siya. At ni minsan, hindi naman nawala yung tiwala ko sa kanya. At syempre, ayun, yung fansclub ni Elmo, nagluksa, lalo na si Caryl. Pero natanggap na din nila at naging supportive nalang kasi ganun daw yung totoong fans. Si Caryl tinatry nang maging mabait sakin. Naiba na yung katayuan ko sa school, pinapansin na nila ko. Nawala na rin yung tulak dito, tulak doon. Haha! Nagbakasyon kaming lahat sa Palawan. Ako, si Elmo, si Caila at si Aldrin, yung boyfriend niya. May rest house kasi sina Elmo dun saka sabi ko dream kong mapunta sa Palawan. Eh hindi ko naman inaasahan na after two days eh pupunta na agad kami! Haha! Si Elmo talaga… Nauna na sina Caila at Aldrin dun sa rest house. Sila na daw yung bahalang magluto ng dinner. So naglakad lakad muna kami ni Elmo sa may dalampasigan. *Music Playing: Endless Love – Glee Cast* Magkahawak kami ng kamay habang kinikiliti ng maputing buhangin yung paa ko. Huminga ko. Ang sarap ng simoy ng hangin. Umupo kami sa buhangin ni Elmo. Nakasandal yung ulo ko sa balikat niya. Pamaya-maya, may shooting star na dumaan. Itinuro ko yun. “Uy, may shooting star oh! Bilis magwish ka Elmo!” “Sige.” Tapos pumikit siya. Tinitigan ko lang siya habang nagwiwish siya. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Ilang beses ko nang tinitigan yung mukha niya ng ganitong kalapit pero hindi pa rin ako nagsasawa. At hindi parin napapagod sa pagtibok ng ganito yung puso ko. Pagdilat niya, tumingin siya sakin. Nangiti siya. “Naku, natulala ka na naman sa kaguwapuhan ko oo.” Natawa ko at kinurot ko yung pisngi niya. “Sige na, ikaw na pogi. Ano ba winish mo?” “Tumingala siya. “Hmm… Winish ko na sana lagi tayong ganito. At walang magbago.” Tumingin siya sakin. “Ikaw ano ba winish mo?” “Ha? Hindi naman ako nag-wish eh.” “Bakit?” tanong niya. Ngumiti lang ako sa kanya. “Kasi nakuha ko na yung pangarap ko.” Ngumiti siya dahil dun sa sinabi ko. Nagkatitigan kami. Ang lamlam ng mga mata niya. Tuwing tinitingnan ko yun, parang dagat yung nakikita ko. Maganda. Makinang. At malalim. Napakalakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko na yata naririnig yung tubig sa dagat eh. Pamaya-maya, naramdaman ko yung labi niya sa bibig ko. Ang lambot. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Parang mababaliw na ko. Ipinikit ko yung mata ko. Hinayaan kong akapin ako ng pangyayari. Yun yung gusto kong kiss. Magkadikit lang yung labi, mababaw, pero puno ng lambing at pagmamahal. Then naramdaman kong ngumiti siya sa labi ko. “Masyado ka yatang nag-eenjoy ah?” Nanlaki yung mata ko. Bigla akong natawa kaya napaurong ako. “Kapal mo! Baka ikaw nga nag-eenjoy dyan eh!” Natawa siya. “Sino ba unang bumigay?” “E sino ba unang ngumiti?” Nagtawanan kami. Nagulat nalang kami sa putok na galing sa malayo. Nagliwanag yung buong paligid. Sinundan pa yun ng napakaraming putok. Parang mga bulaklak na sumasabog sa kalangitan yung fireworks. Wala ngang imposible kung titibayan mo lang ang loob mo. Lahat ng pangarap ay makakamit basta pagsisikapan. Lahat ng tagumpay ay makakamit basta’t malinis ang kalooban. Walang nasaktan. At laging tapat. Hindi ako naniniwala sa walang hanggang pagmamahal nung bata pa ako. Kasi ang akala ko ay mawawala na yung pagmamahal na yun oras na mamatay na ang isang tao. Pero kinain ko lahat yun. Kasi nung nakilala ko si Elmo, siya yung nagpatunay sakin na ang pagmamahal ay hindi puro saya. May kakambal din yun na kalungkutan, tampuhan at iyakan. Pero ang mas importante ay nanatili kayong matatag sa mga oras na yon. Ang pagmamahal ay hindi binibilang sa pamamagitan ng napakaraming malalambing na salitang sinasabi niyo sa isa’t isa, kundi ang bawat hininga niyo na inaalay niyo sa isa’t isa. Ganun katindi yung pagmamahal ko kay Elmo, na kahit sa kamatayan ay hindi mawawala. At handang sisirin ang pinakamalalim na dagat, tawirin ang pinakamahabang bundok at liparin ang pinakamalaking kalawakan. Ganun ang pagmamahal. At si Elmo lang ang nakapagturo sakin ng lahat ng yon. Ipaglalaban ko siya kahit ano’ng mangyari. Hindi na ko muling mawawalan ng pag-asa. Kahit na ipahanap pa sakin ang dulo ng kawalan… |
|