CHAPTER 6Julie Anne
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Kasali na ko sa Music Club. Twing hapon nakikita ko na si Elmo. At syempre pati sina Caryl na kahit two weeks na ang lumipas e hindi pa rin tanggap na kasama na ko. At sa two weeks na yun, naging kaclose ko na si Elmo. Minsan iniimbitahan niya kong mag-ice cream o kaya maglibot. Walang mapaglagyan yung tuwa ko twing magkasama kami. Madami na din akong nalaman tungkol sa family niya. Yung mga hilig niya. Favorite color. Yung mga ganung bagay… Hindi na rin ako nagsusuot ng salamin kasi sabi ni Elmo na mas bagay sakin yung walang salamin. Kaya kinareer ko na! Nagpagupit na ko ng buhok! Hehe. Imbis na full bangs, pinagupit ko nung katulad sa uso ngayon, yung nakaside yung bangs? Tapos nagpa-layer na rin ako. Yung maluwang kong t-shirt pinalitan ko na ng medyo fit na t-shirt tapos nagsusuot na rin ako ng skinny jeans. Hindi nga makapaniwala si Mommy nung una eh, pero sinuportahan na rin niya ko kasi nakita niyang masaya ako. Isang araw, pumunta ko sa rooftop gaya ng napag-usapan namin ni Elmo. May ginawa raw kasi siyang kanta at gusto niya na ako yung gumawa ng tono. Tumakbo ko sa hagdan papunta ng rooftop. Medyo nabuksan ko na yung pintuan ng bigla akong natigilan dahil narinig ko yung boses ni Elmo. At may kausap siya. “Bakit?” sabi ni Elmo. “You know I love you, Elmo,” sabi nung kausap niya. Parang pamilyar sakin yung boses niya. Hindi ko lang maalala kung kaninong boses yun. “I know that.” “At alam mo rin sa sarili mo na nahihirapan ka na. Alam ko yun. Kaya nga, pinapalaya na kita. Hindi naman toh yung gusto mo eh.” Teka, may GIRLFRIEND si Elmo? Kelan pa? Parang tinusok nang milyung-miyong karayom yung puso ko. Ang tagal na naming magkasama pero nagyon ko lang nalaman na may girlfriend pala siya. At sa ganitong paraan pa. “Don’t say that,” sabi ni Elmo. “Alam mo namang hindi ko magagawang hiwalayan ka. Kasi ikaw ang fiancée ko.” Parang nahulog yung buong mundo ko sa paanan ko. Kumirot yung puso ko. Parang hindi ako makahinga. Ang alam ko nalang ngayon ay umiiyak ako. Tuluy-tuloy yung pagbagsak ng luha mula sa mga mata.V Napaupo ako dun sa may hagdan. Tinakpan ko ng mga kamay ko yung mukha ko. Sumisikip yung dibdib ko. “Pero, Elmo . . .” “Shh. Let’s not just talk about that, Caila.” Nahulog yung mga kamay ko sa hita ko. Nanghina yung buong katawan ko. Parang ilang segundo nalang e babagsak na ko. Si Caila? Siya yung papakasalan ni Elmo? Yung best friend ko. Si Caila… “Alam mo rin naman na after college, saka tayo ikakasal di ba? Kaya, wag muna natin pag-usapan yan Caila.” *Music Playing: Can’t Cry Hard Enough by Bellfire* Hindi ko na kayang makinig pa, kaya umalis na ko. Tumakbo ko paalis. Basang basa ng luha yung mukha ko. Para kong baliw na tumatakbo kung saan-saan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dinala nalang ako ng mga paa ko dun sa favorite park ko. Nahinto ako. Nakikita ko pa rin si Elmo na nakaupo dun sa may swing. Yung unang beses na kinausap niya ko bilang kakilala. Kung saan nagsimula ang lahat. Pero ngayon, unti-unti nang nabubura yun. Parang babalik na naman sa wala. Sa dati. May kanya-kanya kaming mundo. Siya, masaya sa piling ni Caila. At ako naman . . . Lumapit ako sa may swing. Umupo ako dun. Hinawakan ko yung chain kung saan dati nakahawak si Elmo. Ito na siguro yung huling beses na mahahawakan ko yung kamay niya. Kahit dito lang. Kahit dito lang sa malamig na bakal na hawak-hawak ko. Kinuha ko yung gitara ko. Ito lang ang bukod tanging takbuhan ko. Itong gitara na toh ang nakakaalam ng lahat ng tungkol sakin. Ng lahat ng sakit at pag-asa ko. *Singing: Teardrops on my guitar by Taylor Swift* Drew looks at me I fake a smile so he won't see What I want and I need And everything that we should be I'll bet she's beautiful That girl he talks about And she's got everything That I have to live without Drew talks to me I laugh 'cause it's just so funny I can't even see Anyone when he's with me He says he's so in love He's finally got it right I wonder if he knows He's all I think about at night He's the reason for the teardrops on my guitar The only thing that keeps me wishing on a wishing star He's the song in the car I keep singing Don't know why I do Drew walks by me Can he tell that I can't breathe? And there he goes, so perfectly The kind of flawless I wish I could be She better hold him tight Give him all her love Look in those beautiful eyes And know she's lucky 'cause He's the reason for the teardrops on my guitar The only thing that keeps me wishing on a wishing star He's the song in the car I keep singing Don't know why I do So I drive home alone As I turn out the light I'll put his picture down And maybe get some sleep tonight 'Cuz he's the reason for the teardrops on my guitar The only one who's got enough of me to break my heart He's the song in the car I keep singing Don't know why I do He's the time taken up but there's never enough And he's all that I need to fall into Drew looks at me I fake a smile so he won't see Pinahiran ko yung luha ko. Wala na kong magagawa kundi tanggapin yung mga nangyari. Kakalimutan ko nalang si Elmo. Tutal ako lang naman tong umaasa eh. Binibigyan ko ng kahulugan yung mga ginagawa niya para sakin. Ako lang tong nagpapakatanga. Yung habol ng habol. Bagay naman sila ni Caila eh. Wala akong maipipintas sa kanya. Napakabait niya, at nararapat lang si Elmo sa kanya. Ayoko rin namang masira yung friendship namin. Lalo lang akong mahihirapan. Lalo lang akong masasaktan. |
|