CHAPTER 5Julie Anne
Pagdilat ng mata ko, ang una ko nakita ay yung mukha ni Elmo. Inaninag ko muna yun at nun ko lang napansin na sobrang lapit nung mukha niya sakin! Gising na siya at nakangiti pa! Biglang nanlaki yung mga mata ko. Sa gulat ko, napaurong nalang ako. “Good morning, Sleeping Beauty,” sabi niya. Parang naputulan ako ng dila. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Bumangon na si Elmo tapos tinitigan niya ko. Mukhang puyat siya. “Mahimbing tulog mo noh?” “H-ha? Ah, oo. Ikaw?” Umiling siya. “Hindi. Yun ang pinakamasamang tulog ko simula nung ipanganak ako. Ang ingay mong matulog eh. Para kong may katabing baka.” Ngumuso nalang ako. Wala namang mangyayari kung papatulan ko siya eh. Tapos, biglang may bigla akong naalala… “Elmo. Uhm, kagabi ba, may narinig kang sinabi ko?” “Ha?” tanong niya. “Wala naman akong sinabing kakaiba habang natutulog ka?” “Wala. Bakit meron ba?” “Ha? Ah, wala. Hehe.” Wew, buti nalang. Ngumiti siya. “Sige, magbibihis na ko. Magbihis ka na rin. Kunin mo nalang kay yaya yung damit mo.” Tumango ako. Pagkabihis namin, kumain na kami. Sabay na rin kaming pumunta ni Elmo sa school. Sabi ko maglalakad nalang ako, pero sabi niya wag na daw, sumakay nalang ako. Ewan ko ba, pero feeling ko napakabait niya ngayon sakin. Ganun ba talaga epekto ng puyat? Pagbaba na pagbaba palang namin ng kotse, nakita kong nagtinginan lahat ng estudyante sakin. Yung iba nagbulungan. Yumuko nalang ako at lumakad habang nakatingin lahat ng pares ng mata sakin. Pumunta ko ng locker at nilagay ko yung gitara ko dun. Sa wakas, nakahinga na rin ng maluwag. Kung anu-ano na namang storya kakalat sa campus niyan. Baka akalain nilang kami na ni Elmo. Baka maapektuhan yung popularity niya. Tsk. Hindi pwedeng mangyari yun. Pamaya-maya, may lumapit sakin. “Hi.” Ngumiti ako. “Hello.” “I’m Caila,” sabi nung girl sa tabi ko. Inabot niya yung kamay niya at kinuha ko naman yun. Maganda siya, medyo brown yung buhok at maputi. Para siyang taga-ibang bansa. Nakikita ko siya minsan dito sa campus pero hindi ko alam yung pangalan niya. Ang alam ko lang ay sikat siya tapos mabait daw. “Julie Anne,” sabi ko. “Nakita kita kaninang bumaba sa kotse ni Elmo. Kayo ba?” Ito na nga ba sinasabi ko eh. “Nako, hindi! Nagkakamali ka. Isinabay lang ako ni Elmo papunta dito.” “Ah ganun ba. Okay. So, Julie Anne, gusto mo bang sabay na tayong maglunch mamaya?” “Ha? Uhm, sige.” “Great!” Ngumiti si Caila. “Kita nalang tayo dun sa may rest area ah?” Lumipas yung first half of the day ng mabilis. At katulad nga ng napag-usapan, sabay kaming naglunch ni Caila. Nakaupo kami dun sa may bermuda. Mabilis ko siyang nakapagpalagayan ng loob. Magkaugali pala kami. Mahilig din siya sa music. Wala kaming ginawa dun kundi magtawanan. Nagkwento siya tungkol sa sarili niya. At ako rin, nagkwento din ako tungkol sakin. Siya yung first friend ko dito sa school. Isipin mo, three years wala akong naging kaclose. Ang hirap nun di ba? Well, wala kasing gustong makisalamuha sa isang loser na katulad ko, hanggang sa dumating nga si Caila… “Caila?” Natigil kami sa tawanan. Tumingin kami sa taas at nakita ko namin si Caryl. “Oh, Caila? Halika, join us,” sabi ni Caila. “Are you out of your mind?” sabi ni Caryl. Napayuko nalang ako. “I can’t believe na sasama ka sa isang babaeng katulad niya.”V “Why? Ano bang masama?” Natawa si Caryl. “Well, alam mo bang pwedeng bumaba yung popularity mo?” “I don’t care about popularity. Mas importante sakin ang kaibigan,” sabi ni Caila. Natuwa ako dun sa sinabi niya. Umalis nalang si Caryl. Buti naman. Akala ko magkakagulo eh. “Thanks Caila ha,” sabi ko. “Wala yun.” Ngumiti siya sakin. Pagkatapos naming kumain, naghiwalay na kami. After school, kinuha ko na ulit yung gitara ko. At ngayon ko lang natandaan na ngayon pala yung first meeting ng Clubs for this year. Nalungkot akong bigla. Naalala ko kasi yung nangyari kahapon. Wala na talaga kong pag-asa para makasali sa Music Club. Pumunta ko ng second floor. Nanatili akong nakatayo dun sa may pintuan ng Music Room. Ano bang ginagawa ko dito? Minabuti kong umalis nalang. Wala na rin naman akong magagawa eh. Umupo ako sa may bench dun sa baba sa may ilalim ng puno. Kinuha ko yung gitara ko. Ikakanta ko nalang tong lungkot na nararamdaman ko. *Singing* Terrified by Katharine Mcphee You by the light is the greatest find In a world full wrong you're the thing that's right Finally made it through the lonely to the other side You said it again, my heart's in motion Every word feels like a shooting star I'm at the edge of my emotions Watching the shadows burning in the dark And I'm in love and I'm terrified For the first time in the last time in my only life This could be good, it's already better than last And love is worse than knowing you're holding back I could be all that you needed if you let me try You said it again my hearts in motion Every word feels like a shooting start I'm at the edge of my emotions Watching the shadows burning in the dark And I'm in love and I'm terrified For the first time in the last time in my only I only said it 'cause I mean it, I only mean 'cause it's true So don't you doubt what I've been dreaming 'Cause it fills me up and holds me close whenever I'm without you You said it again my hearts in motion Every word feels like a shooting star Watching the shadows burning in the dark And I'm in love and I'm terrified For the first time in the last time in my only life “Ang galing mo palang kumanta.” Napatingin ako sa kaliwa. Pumapalakpak si Caila. Tinabihan niya ko sa bench. “Ba’t hindi ka mag-audition sa Music Club?” “Tinry ko eh. Kaso may hindi magandang nangyari eh.” “Ah ganun ba? Ayos lang yun.” Hinawakan ni Caila yung kamay ko. “Baka hindi lang to yung oras mo. Malay mo may dadating pa na mas deserving para sayo.” Nginitian ko siya. “Thanks, Caila ha.” “Wala yun. Nga pala, mukang may pinaghuhugutan yung kanta mo ah? Inlove ka ba?” “H-ha?” Medyo nahiya ako dun sa tanong niya. Ngumiti siya.V “Inlove ka noh?” “Ah eh, oo eh.” Tumingin siya sakin ng nakangiti. At mukha pa siyang excited. “Sino? Dali!” “Eh, secret eh. Sorry.” Ngumuso siya. “Sayang naman. Pero sige hindi na kita pipilitin. Kelan pa?” “More than three years na.” “At hindi pa rin niya nasusuklian yang pagtingin mo?” Tumango ako tapos yumuko. Tinapik niya ko sa balikat. “Ayos lang yan,” sabi ni Caila. “Kung gusto mong mapansin ka niya, gumawa ka ng bagay na makukuha yung atensyon niya. Magperform ka sa program. Bigyan mo siya ng regalo. Basta kahit ano na makakapagpabago ng tingin niya sayo.” Napatingin ako sa kanya. “Ganun ba yun?” “Oo, ganun yun! Umaasa ko sayo.” Ngumiti siya tapos tumayo na. “Sige, mauna na ko ah? May aattendan kasi kong dinner e.” “Okay, ingat.” Nag-wave ako sa kanya habang paalis siya. Iniligpit ko yung gitara ko then isinukbit ko na yung strap. Aalis na sana ko pero biglang may tumawag sakin. “Julie Anne!” Paglingon ko, nakita ko si Elmo na papatakbo sa direksyon ko. At habang papalapit siya, papabilis naman yung tibok ng puso ko. “E-Elmo?” “Pwede bang humingi ng favor?” “A-ano ba yun?” May ibinigay siya saking nakatiklop na papel. “Pwede bang ikaw na mag-announce dun sa may Music Room kung sinu-sino yung nakapasa sa audition? May emergency eh. Tinawagan ako ni Mommy. Napaaga uwi nila galing Baguio.” Kinuha ko yung papel. “Ah ganun ba. O sige, ako bahala.” Tinapik niya ko sa braso. Ngumiti siya. “Thanks ah.” Tapos tumakbo na siya papunta sa kotse niya at umalis. Pumunta ko sa second floor gaya nga nung sabi niya. Nagdalawang-isip akong pumasok nung umpisa pero huminga ko ng malalim at itinulak yung pinto. Nagtinginan sakin yung lahat nung nasa loob. “Ano’ng ginagawa mo dito?” sabi ni Caryl. “Ibinigay sakin ni Elmo yung papel nung mga nakapasa sa audition kahapon. Sabi niya iannounce ko raw sa inyo.” Nagtawanan sila. “Oh please,” sabi ni Caryl. “Ba’t naman ibibigay ni Elmo sayo yun?” “May emergency daw eh,” sabi ko. Hinablot ni Caryl yung papel sa kamay ko. Binuksan niya yun at tumingin sakin. “Well, hindi ka nga nagsisinungaling. Pero kahit na…” Si Caryl yung nagbasa nung mga pumasa. Nangiti siya nung sinabi niya yung pangalan niya. Mukhang proud na proud pa nga sa sarili niya eh. At nung makakalahati na, ibinigay niya sakin yung papel. “Ikaw na nga magbasa, nakakapagod eh. At para na rin magsink-in sayo na hindi ka nakapag-audition.” Kinuha ko yung papel at yumuko. Binasa ko yung susunod na pangalan. “Pauline.” “Lakasan mo! Hindi namin marinig!” sigaw nung isang babae. “Pambihira!” dugtong pa nung isa. Kaya nilakasan ko. Binasa ko yung mga pangalan hanggang sa dulo. Nakaprint yun kaya madaling basahin. Pagkatapos kong basahin yung panghuling pangalan, napansin kong may nakasulat sa ibaba ng papel. Blue ballpen yung ipinangsulat. Nagulat ako ng makita ko yung pangalan ko. At hindi lang yon, may message pa: ‘Ang galing mo palang kumanta. Ayos din yung paggigitara mo. Nice version of Terrified.’ Tapos may smiley face. Napanganga ko. Nandun si Elmo. Narinig niya yung kanta ko. At dahil dun, kasama na ko sa Music Club. |
|