CHAPTER 4Elmo
Hindi ako makatulog. Ewan ko ba. Ang tagal ko na rin bumibiling-biling pero hindi talaga ako makatulog e. Siguro hindi lang talaga ako sanay na may ibang tao sa kwarto ko. At babae pa. Hay… Pamaya-maya, naramdaman ko na parang umupo si Julie Anne. Siguro hindi rin siya makatulog. Nagpanggap nalang ako na tulog. Ayokong malaman niya na hindi rin ako makatulog, baka kung ano pa isipin niya noh. Kailangan ipakita ko na kampante lang ako. Na parang wala siya sa loob ng kwarto ko. Then naramdaman ko na parang may pumatong sa gilid ng kama ko. Pamaya-maya, nagsalita siya. “Kung alam mo lang Elmo. Kung alam mo lang kung gaano mo pinapabilis yung pagtibok ng puso ko twing nakikita kita. Kahit sa malayo lang kita nakikita non at hindi mo ko napapansin, para pa rin akong tumakbo ng malayong malayo. Lalo na ngayon na sobrang lapit mo na sakin. Para nang sasabog yung puso ko.” Ano ba tong sinasabi niya? Alam kong crush niya ko pero hindi ko akalain na ganito pala nararamdaman niya. Naramdaman ko yung daliri niya sa noo ko. Ang lamig. Medyo nakonsensya tuloy ako at dun ko siya pinatulog. “Kontento na ko ng ganito. Kontento na kong gustuhin ka ng palihim. Kahit nasa malayo ako, okay lang. Basta ang importante, nandiyan ka lang... Ba’t ba umiiyak ako?” Teka, umiiyak siya? Ganon ba talaga kalalim yung pagkagusto niya sakin? Nagpalipas muna ko ng ilang sandali bago ko dumilat. Nakita ko siyang nakadukdok sa gilid ng kama ko, natutulog. May luha pa sa mata niya. Pinunasan ko yun at tinitigan ko siya. Kinuha ko yung kumot tapos ipinatong ko sa likod niya. Nangiti ako. Ewan ko. Siguro natuwa ako dun sa mga sinabi niya. Humiga na ulit ako. Tiningnan ko muna siya at sinabi ko ng mahina, “Good night, Julie Anne.” Tapos pumikit na ko. |
|