CHAPTER 3Julie Anne
“Si ate talaga, oo,” sabi ni Elmo habang pinipilit na buksan yung kwarto nung ate niya. “Nilock pa talaga yung room nila. Para namang may magnanakaw.” “Uhm, yamu na, Elmo, sa sala nalang ako matutulog.” “Hindi, nakakahiya naman sayo. Dun ka nalang sa kwarto ko matulog.” Montik ko ng maibagsak yung baso sa kamay ko. Ano raw? “H-Ha?” “Sabi ko, sa kwarto ko nalang ikaw matulog.” “Ay naku, wag na! Dito nalang talaga ko! Ayos na ko dito.” Umupo ako dun sa sofa para ipakita sa kanya na desidido na ko na dito nalang matulog. “Ah sige. Pero bahala ka, mag-isa ka lang dito. Tapos pinapatay ng katulong namin yung ilaw pag matutulog na kaming lahat.” Medyo kinilabutan ako dun sa sinabi ni Elmo. Hindi kaya may . . . “Ah Elmo, tanong ko lang…” Lumingon siya sakin. “Ano yon?” Lumunok muna ko. “Ah, may… kasi, uhm.. May multo ba dito sa bahay niyo?” Nangiti si Elmo. Parang ayoko nung ngiti niya na yun ah. Siguro iniisip niya na duwag ako. “Don’t worry. Mabait naman yun eh.” Lalong tumaas yung balahibo ko dun sa sinabi niya. “Huwag ka namang magbiro ng ganyan.” Nag-shrug siya tapos umakyat na papunta sa kwarto niya. Ano kaya ibig sabihin nun? “Hindi ako natatakot noh!” sigaw ko sa kanya. “Dito nalang ako!” Sumandal ako sa sofa tapos sumibangot. “Akala niya ha. Matapang ata ako.” Naligo ako dun sa bathroom, tapos pinahiram muna ko ng damit ni Elmo. Damit yun nung Ate Maxene niya. Pinalabhan niya rin yung mga damit ko dun sa katulang nila. Actually, hindi ko nga mapigilang ngumiti eh. Hihi. Kumain kami ng sabay. Ang saya nung una, nagtatawanan kami. Pero simula nung sagutin niya yung call galing sa Mommy daw niya, biglang naiba yung aura niya. Biglang tumahimik sa table, nakakabingi nga eh. Ganun ba talaga pag sikat at mayaman? Madaming problema? Pumunta ko ng sala, nakita kong may mga unan dun. Nangiti ako sa nakita ko. Papaakyat na ulit si Elmo nang tawagin ko siya, “Elmo!” Tumingin siya sakin. “Thank you ha? Good night.” Ngumiti siya. “Night.” Nang tumingin ako sa orasan, nakita kong mag-eeleven na pala. E may pasok pa bukas. Humiga na ko sa sofa, tapos ipinikit ko na yung mga mata ko. Tic, toc… Tic, toc… Bumiling ako. Hindi ako makatulog. Ang ingay nung orasan! Napakatahimik naman kasi dito eh. Hindi ko kayang matulog ng ganitong katahimik. Samin kasi maingay yung electric fan kaya hindi ko masyadong naririnig yung mga nasa paligid ko. Nakakatakot tuloy. Meow… Nadilat ako. Bigla akong kinilabutan. Awoooooooo… Bigla akong napaupo. Ang dilim sa sala. Buti nalang at maliwanag yung buwan. Hindi ko naman pwedeng buksan yung ilaw at nakakahiya naman, ako na nga lang yung nakikitulog dito masyado pa kong choosy. Saka hindi ako makakatulog ng nakabukas yun eh. Huminga ko ng malalim. Pinilit kong ikalma yung puso ko. “Relax ka lang Julie Anne. Wala namang multo eh. Hindi totoo yung mga yun. Tinatakot mo lang yung sarili mo. Oo, tama. Tinatakot mo lang sari–” BLAG! Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. At ang susunod ko nalang na nalaman ay itinatakbo na ko ng mga paa ko. Tumakbo ko sa hagdan paakyat. Kumatok ako sa pintuan. Malakas. Pabilis ng pabilis. Hanggang sa . . . “Sino ba yan?” medyo naiinis na tanong ni Elmo. Halatang naabala ko siya sa pagtulog niya kasi hindi pa siya makadilat ng maayos. “E-elmo,” nanginginig kong sabi. “Oh, Julie Anne? Bakit?” Napansin niyang nanginginig ako. Actually, hindi ko nga napansin na nangingilid na yung luha ko eh. “P-pwede bang d-dito nalang ako m-matulog?” Tumaas yung kilay niya. “Bakit? May nangyari ba?” “W-wala naman, malamig lang kasi dun sa baba eh. Okay lang ba?” “Osige.” Pinapasok niya ko sa kwarto niya. Pagkasara niya ng pinto agad siyang humiga sa kama niya at pumikit. Pamaya maya, dumilat ulit siya at tumingin sakin. “O, bat nakatayo ka pa jan?” “H-ha? Uhm. Kasi…” Kasi hindi ko maihakbang yung mga paa ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Grabe. Andito ko ngayon. Kasama si Elmo. Sa isang kwarto. Kami lang dalawa. Ang tagal ko nang hinintay na mapalapit kay Elmo pero ngayon namang andito na ko, nabobobo ko. Ano ka ba Julie Anne! Hinulog ni Elmo yung isang unan sa tabi ng kama niya. At ang tanging sinabi lang niya ay, “Malambot yan.” Tumaas yung kilay ko. “Hoy, wag mong sabihing. Diyan mo ko sa lapag patutulugin?” “Bakit may problema ba?” “Ay wala! Wala! Walang problema. Sabi ko nga diyan ako eh,” sabi ko habang papunta dun sa tabi ng kama ni Elmo. “Good.” Tapos bumiling siya. Ngumuso ako. “Tss. Parang hindi lalaki toh. Yung iba ibibigay yung kama nila para dun matulog yung babae eh. Crush ko ba talaga tong lalaking toh?” sabi ko ng mahina. “Hoy, ano bang binubulung-bulong mo dyan?” “Ah wala! Hehe. Sabi ko ang sarap mahiga dito. Matigas,” sabi ko ng makahulugan. “Ah, akala ko naman nangungulam ka na e.” Tapos bumiling na ulit siya. “Tss. Tingnan mo toh. Hindi man lang tinamaan sa sinabi ko.” Humiga na ko. Grabe, ang tigas nung sahig! At ang lamig pa! Hindi man lang nagkusang magbigay ng kumot yun. Hay naku. Nagpabaling-baling lang ako dun. Hindi ako makatulog! Grr! Tumihaya nalang ako. Nabibingi ko sa katahimikan. Pero ngayon, hindi na tic, toc… tic, toc… yung naririnig ko, kundi… Lub, dub… Lub, dub… *Music Playing: A Thousand Years – Christina Perri* Ba’t ganito? Napakabilis ng tibok ng puso ko. Ipinatong ko yung kamay ko sa dibdib ko, naramdaman ko yung bawat pagtibok ng puso ko. Umupo ako para silipin si Elmo kung tulog na siya. Nakaharap sakin si Elmo. Ang amo pa rin ng mukha niya kahit natutulog. Gusto ko siyang kunan ng picture. Ang cute cute talaga niya. Ang haba din ng mga pilik-mata niya. Ipinatong ko yung braso ko sa kama niya. Tinitigan ko siya ng matagal pero hindi ako nagsasawa. Huminga ako ng malalim. “Kung alam mo lang Elmo,” sabi ko ng mahina. “Kung alam mo lang kung gaano mo pinapabilis yung pagtibok ng puso ko twing nakikita kita. Kahit sa malayo lang kita nakikita non at hindi mo ko napapansin, para pa rin akong tumakbo ng malayong malayo. Lalo na ngayon na sobrang lapit mo na sakin. Para nang sasabog yung puso ko.” Hinawi ko yung buhok sa noo niya. Ngumiti ako. “Kontento na ko ng ganito. Kontento na kong gustuhin ka ng palihim. Kahit nasa malayo ako, okay lang. Basta ang importante, nandiyan ka lang.” Naramdaman kong bigla nalang may tumulo na luha sa mga mata ko. Pinunasan ko yun. “Ba’t ba umiiyak ako?” Natawa nalang ako ng mahina. Ano ba naman toh. Siguro ganito lang talaga kapag alam mo na wala kang pag-asa. Bigla-bigla ka nalang maiiyak. Masakit din kasi eh. Alam ko na hindi kami bagay. Napakataas niya samantalang ako . . . Tinitigan ko nalang ulit siya. Hanggang sa magsawa ako. Hanggang sa tumatak na sakin na hindi talaga pwedeng mapansin niya ko. At dahil sa pagtitig ko sa kanya ng sobrang tagal, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. |
|