CHAPTER 2Julie Anne
Buong hapon akong nakaupo dun sa cubicle. Naubos ko na nga ata yung tissue kakaiyak e. Nakakainis talaga. Pero ano pa ba iniexpect ko? Nun pa man outcast na ko sa kanila e. At last, lumabas na ko ng cubicle at tumingin sa salamin. Pulang pula yung mukha ko. Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito. Siguradong tatadtarin lang ako ng tanong ni Mommy. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya yung mga nangyari e. Baka ilipat pa ko ng school nun. Hindi rin ako makapaniwala dun sa sinabi ko. Hindi ko na crush si Elmo? Sure ba ko dun? Pero wala na kong magagawa e. Tapos na yun kaya ang kailangan ko nalang e panindigan yun. Lumabas ako ng CR at lumakad papuntang gate. Naku, palubog na pala yung araw. Wala na ding estudyante sa school, puro janitors nalang at nag-uuwian na rin yung teachers. Lumakad nalang ako papunta dun sa favorite park ko malapit dito sa school. Maliit lang yun, pero napaka-peaceful. Dun ako nakakapag-isip ng payapa. Pupunta na sana ko dun sa may swing, favorite spot ko din yun dito, pero may nakita kong nakaupong iba. Bumilis yung tibok ng puso ko. Nakaupo dun si Elmo, inuugoy ng marahan yung swing. Parang may iniisip. Aalis na sana ko pero bigla akong tinawag ni Elmo. “Wait! Di ba ikaw yung nag-audition kanina?” Hindi ako lumingon. Iniba ko yung boses ko. “Ha? Ah, h-hindi. Nagkakamali ka. Hindi ako yun!” Ano bang kaengotan toh? Obvious naman na ako yun e! Saka, bat iniba ko ba yung boses ko? Julie Anne naman! “Hindi. I’m sure na ikaw yun.” Naramdaman kong tumayo siya kasi tumunog yung swing. Papalapit siya sakin! Anong gagawin ko?! Naku naman! Help me! “Ah, s-sige mauna na ko! Bye!” Tapos tumakbo ko. Tumakbo ko ng tumakbo hanggang sa humupa yung tibok ng puso ko. Hanggang sa napagod ako at umupo ako sa isang waiting shed. Sumandal ako at tumingala. Inilagay ko yung gitara ko sa tabi ko. “Hay, ano ka ba naman Julie Anne! Ang bobo bobo mo talaga.” “Miss, ikaw lang bang mag-isa?” Tumingin ako sa gilid ko. May tatlong lalaking nakatayo. Mukha silang mga siga. May mga tattoo at nakangiti sa akin. Kinabahan ako. Mag gagabi na rin, at yung mga oras na ganito yung masyadong delikado. Kinuha ko yung gitara ko at tatayo na sana pero hinila ko paupo nung isang lalaking nakabandana. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. “Oh, aalis ka na agad? Hindi ba pwedeng samahan mo muna kami dito?” Amoy alak yung hininga niya. Mga lasing ata toh. “Pasensya na pero kailangan ko ng umalis.” Nagtawanan sila tapos yung nakaupo sa tabi ko hinawakan yung hita ko. Lalo akong kinabahan kaya inalis ko yung kamay niya. Hinawakan niya yung braso ko habang yung isa ay kinuha yung gitara ko. “Bitawan mo ko!” sigaw ko. “Wag ka naman pasaway, miss.” Nakakasuka talaga yung amoy ng hininga niya. Hinawakan pa nung isang lalaki yung isang braso ko. Tumayo ako pero sumunod sila. Matibay yung pagkakahawak nila sakin. Nahulog yung salamin ko at ang masama pa e natapakan nung nakabandana. Sumigaw ako ng sumigaw dun pero walang nakakarinig sakin. Umiiyak na rin ako nun, hanggang sa napansin ko nalang na may nagflash. Natigilan kaming lahat. Itinaas ko yung ulo ko. Nakita ko si Elmo na may hawak na cellphone sa kamay niya. “Bitawan niyo siya.” “Sino ka ba?” tanong nung isang lalaki. “Isang pindot lang at makakarating sa uncle kong pulis yang mga panget niyong mukha,” sabi ni Elmo. “Asar!” Binitawan ako nung mga lalaki tapos sunud-sunod na tumakbo paalis. Napaupo ako at umiyak. “Ayos ka lang?” tanong sakin ni Elmo habang nakaluhod sa tabi ko. Tumango ako. “Hindi pa naman ako nahuli di ba? Wala namang ibang ginawa yung mga gagong yun sayo?” Umiling ako. “S-salamat.” Ngumiti siya. “Hatid na kita?” Kinuha niya yung gitara ko at siya na yung nagdala. Humingi din siya ng sorry dahil dun sa pagtataray niya kanina. Madami lang daw siyang iniintindi. At dahil sa pagkaalala ko dun, nagblush na naman ako. “May sakit ka ba?” tanong niya. “H-Ha? Wala ah.” Hinawakan ko yung pisngi ko. Grabe, namumula na naman ako! “Bakit namumula mukha mo?” Umiling ako. “Wag mo nalang akong pansinin.” Nangiti siya. “Ah alam ko na. Kinikilig ka noh?” Napatingin ako sa kanya. Napanganga ko. “Hindi ah! Ang kapal mo!” Tumawa si Elmo. “E di ba crush mo ko? Kaya natural lang yun.” “Di ba sabi ko sayo hindi na kita crush! Nakalimutan mo na ba?” “Hindi ako naniniwala dun.” Ngumiti na naman siya. Bat ba biglang naging ganito siya? Ano ba nangyayari? Hay! Ang gulo! Dumaan kami sa bahay ni Elmo kasi nandun yung kotse niya. Malapit lang din pala sa school yung bahay nila. At ang yaman pala niya. Wow, may sariling kotse tapos maganda ang bahay! Sakto naman na pagdating namin don e umulan. Buti nalang at hindi na ko nabasa. Hinanap ni Elmo yung driver niya. Naghintay muna ko dun sa may terrace nila. After a few minutes, bumalik siya sakin. “I’m sorry, uhm . . .” “Julie Anne,” sabi ko. “I’m sorry Julie Anne, pero nasira daw kotse ko eh. Yung kotse naman nina Mommy eh wala dito kasi nasa Baguio siya kasama yung mga kapatid ko.” “Ganun ba, okay lang. Pwede bang makahiram nalang ng payong?” “Ay!” Napakamot nalang siya sa ulo. “Wala eh, dala rin nina Mommy. Alam kasi nilang magiging maulan ngayon e. Ano kaya kung, dumito ka nalang muna?” “H-HA???” Nagulat ako. Ako, dito kina Elmo magpapalipas ng gabi? Oh my! “E wala tayong magagawa e. Tawagan mo nalang yung Mommy mo dun sa landline.” Wala akong magagawa e. Pahamak naman yung panahon na to kahit kelan oh! Pero mabait din pala yung kapalaran sakin kasi ngayon, kahit isang gabi lang, makakasama ko si Elmo. At makikilala ko pa siya ng mabuti. Pumunta ko ng sala at hinanap yung landline nila. Dinial ko yung number namin sa bahay. Si Mommy yung sumagot. “Hello, Ma? Hindi ako makakauwi ngayon. Sa bahay ako ng isang kaibigan matutulog.” |
|