CHAPTER 1Julie Anne
Ako si Julie Anne San Jose. Pero pwede niyo kong tawaging Julie Anne. Three years ko nang tina-try sumali sa Music Club ng school namin, kaso ni minsan hindi ako pumasa. Bakit? Kasi wala daw akong appeal. Bukod na so “out” na raw yung eyeglasses, para raw sinaunang panahon pa raw yung gupit ko na full bangs. Eh bakit ba? Nakakahiya kayang pumorma noh. Bukod sa pagtitinginan ka na, babastusin ka pa. Yung iba mag miminiskirt ng ubod ng ikli, manung panindigan at nag miniskirt pa kung maya’t maya yung paghila sa laylayan. Nakakaloko din nuh? At eto pa isa. Gusto kong sumali sa Music Club kasi, crush ko yung president dun. Hihi. His name is Elmo Magalona. Ang cute ng name nuh? Tapos magaling siyang mag-rap. Matangos ang ilong, maputi tapos nakakaakit yung mga mata. Ginagawa ko talaga ang lahat para tuwing hapon, kapag may meeting yung Club, e makasama ko siya sa isang room kahit na malayo kami sa isa’t isa. Siguro ganun nga kapag may crush, kontento na kahit sa malayo ka lang aagaw ng tingin. Fourth Year High School na ko, kaya my goal is to be in that Club. Last year na to kaya HINDI PWEDENG hindi ako makasama sa Music Club! A big, BIG, NO! Isang hapon, galing ako ng library at may tinapos akong essay. Agad-agad akong pumunta sa locker ko para kunin yung gitara ko. Today yung audition para sa mga Clubs kaya kailangan maaga ako. Hindi ko rin kinalimutang i-ponytail sa dalawa yung buhok ko at suklayin yung bangs ko para maganda bagsak nun. Syempre kailangan, presentable naman itsura ko kasi ang alam ko si Elmo mismo yung magjujudge. Isinukbit ko yung strap at huminga ng malalim. Itinaas ko yung kamao ko. “Kaya mo yan Julie Anne. Fight!” Tumakbo ako papunta sa second floor. Tumingin-tingin ako dun sa glass door pero wala akong makita sa loob at puro reflection lang nakikita ko. Binuksan ko na yung pintuan unti-unti at sumilip ako. Marami na palang nauna sakin. Nakaupo silang lahat sa may likuran, yung iba kinokondisyon yung boses nila, yung iba naman hawak-hawak yung musical instruments nila. Pumasok ako ng nakayuko. Pumunta ko sa pinakasulok. Ang daming tao. Nakakahiya. Pang number 42 ako. Hay matagal tagal pa yun. Pamaya-maya, bumukas na yung pintuan at pumasok na si Elmo. Grabe, ang cool talaga niya! Kahit T-shirt at pants lang suot niya, iba pa rin dating niya. Nagsigawan yung mga babae nung makita nila si Elmo. At ako naman? Nabingi ko sa tibok ng puso ko. Kinabahan ako. Para bang yung nakikita ko nalang sa harapan ko ay si Elmo. Lalo na nung hinubad niya yung shades niya at umupo dun sa table na nakaharap sa stage. Ang cute talaga niya! “Magsisimula na tayo,” sabi ni Elmo sa mic. “Number 1, umakyat ka na.” 38… 39… 40… 41… Lalo na kong kinabahan. Hindi ko na alam gagawin ko. Nagpapawis yung kamay ko. Kinuha ko yung picture ni Elmo na laging nakaipit sa likuran ng ID holder ko. Tinitigan ko yun tapos pumikit. “Please, Elmo! Help me! Help me!” sabi ko ng mahina. Nagulat nalang ako ng biglang may kumuha ng picture sa kamay ko. Dumilat ako at nakita ko si Caryl. Ang alam ko may crush din siya kay Elmo. Maganda siya. Malayong malayo sa akin. Nangiti siya at tumingin sakin. “Akala mo ba e matutulungan ka nito? FYI, hindi umeepekto sa mga nerd ang charm ni Elmo kahit gano katindi pa paghingi ng tulong mo dito. Kasi, Elmo belongs to the cool guys, like us and he wants a cool girl . . .” Tumaas kilay niya. “Like me.” “Wag mong pupunitin yan, please.” Inabot ko yung picture pero itinaas niya yun. “Don’t worry. I won’t. Kasi iba gagawin ko.” Tumalikod siya at iwinagayway yung picture ni Elmo. “LOOK GUYS! THE NERD GIRL HAS A CRUSH ON ELMO!” Natigilan ako. Nanginig yung tuhod ko. Natigil yung nag-aaudition sa harapan at humarap silang lahat sa akin. Masyado akong nanliit sa may sulok. Tumingin sakin si Caryl na may evil smile. Nagbulung-bulungan yung iba. “Ang kapal!” “Ew! Hindi ko akalaing may nerd na magtatangkang sumali sa fans club ni Elmo.” “She doesn’t deserve to have Elmo.” “Hanggang panaginip na lang yan!” Napayuko nalang ako at nangilid yung luha ko. Humigpit yung kamay ko sa pagkakahawak ng strap ng bag nung gitara. Aalis na sana ko pero tumayo si Elmo at humarap sa amin. “Ano’ng nangyayari dyan?” tanong niya. “Look,” sabi ni Caryl at ipinakita yung picture ni Elmo. “That nerd girl has a crush on you. Ugh! How pathetic.” “Well, I don’t care. You, Number 42,” itinuro ako ni Elmo. “Ikaw na susunod.” Tapos umupo ulit siya. “Bilisan mo at may kailangan pa kong asikasuhin.” Medyo nahurt ako sa sinabi niya na yun. Na wala siyang pakialam kung crush ko siya. “H-Hindi na ko mag-aaudition.” “Mabuti pa nga!” sabi ni Caryl. “Come on, I don’t have all time. Pumunta ka na sa stage,” Elmo said. “Sorry, pero–” “Kung ayaw mo, sige umalis ka na. I don’t have time for an undecided person like you. Next!” Parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko akalaing ganun pala ko kawalang kwenta kay Elmo. Pero kaya ako nasasaktan ng ganito kasi umaasa pa ko na magkakagusto sakin si Elmo e. Kasalanan ko din to. Lumakad ako papunta kay Elmo. Tiningnan ko siya ng may nangingilid na luha sa mga mata ko. Tumingin siya sa akin. “What?” tanong niya. Huminga ko ng malalim at sumigaw, “Simula ngayon, hindi na kita crush! Tandaan niyong lahat yan!” Tapos tumakbo ako paalis pero hanggang sa labas, rinig ko pa rin yung tawanan ng mga tao doon sa loob. |
|